Sunday, October 17, 2010

Fastbreak Reunion sa Union City, CA

Muling nagkita-kita after 37 years ang apat na Atenista...si Ando, Mel, Jess and Larry.

Siyempre kasama ang mga naggagandahang mga taga Canossa.

Ayan muna kuwento to follow...hehe.














Wednesday, October 6, 2010

Balik Tanaw sa Old Manila

Thank you very much Digital Image 2004 University of Wisconsin-Milwaukee Libraries for the following pictures.


Mga classmates inabot ninyo pa ba na ganito ang mukha ng Maynila at Makati?


Sta. Cruz, Manila


Fort Santiago


Escolta




Pasig River(View from Post Office Lawton)


Manila(View from a building in T.M. Kalaw)


Dewey Blvd(Now Roxas Blvd.)


Quiapo Church


The Famous Avenida(Sta. Cruz, Manila)


Ayala, Makati

Sunday, October 3, 2010

Maraming Salamat!




Pabling, Jun, Willie, Danny, Gemi,and Rouel,

After 37 years ay nagkita-kita rin tayo. Maraming salamat!

Ang sabi nga ay ang mga high school friends ay ang mga masayang kasama lalo na nga at umabot na tayo sa ganitong idad ng singkwenta. Dahil tayo ang magkakasama nuon habang nagdidiskubre sa ating mga buhay...

First 'ligaw'
First love
First 'basted'
First kiss
First beer
First 'yosi'
First barkada
First 'bomba' movies
First party

At lahat pa ng mga insecurities, pagsubok, at kakornihan ng buhay habang tinatahak ang ating pagbibinata.

Ang sarap pagkuwentuhan ang nakaraan after 37 years...so sweet and woderful...kasi parang kaylan lang ay dala-dala natin sa ating mga balikat ang mga problema nung high school at parang di yata natin malulusutan ang mga ito. At habang isa-isang binabalikan ang mga alaala ng mga taon sa loob ng school at talagang tunay na we had a great time reliving all those precious moments.

Ang daming kuwento ng lahat...ang sarap makinig ng kuwento na parang andun kaming lahat sa front-seat ng movie habang binabalikan ang bawat eksena ng mga pangyayari sa loob at labas ng school. May mga pangit at magagandang kuwento pero ang lahat ay naiwang magagandang alaala. Parang di yata maiiwasan ang mga pagsubok at conflicts nung panahon na iyon at kung isipin ko pa ay mukhang parte iyon lahat ng growing-up
together at makita ang ating mga sarili sa pakikibaka sa mga challenges ng high school life sa Ateneo.

Parang revelation ang ibang kwento sa mga asawa na nakikinig sa bawat naaalalang mga pangyayari ng pitong Atenista. Nandun ang kasarapan at casualness ng kuwento at biruan kahit unang pagkikita ito after 37 years...tunay na magkakapatid kay Kristo. Na siyang naging minolde ng Ateneo sa ating buhay.

Tatlong araw at gabi na di mapuknat sa kainan, kantahan, sayawan, kodakan, kuwentuhan, biruan at tawanan...tulog at paligo lang ang pahinga. Iba-ibang topics ang pinag-uusapan...sobrang lawak. Very matured ang dating ng kuwentuhan at biruan sa mga topics nang...health, family, love-life, buhay-buhay, at sex!! We all thought that was funny... na parang pinatutunayan na lagi tayong high school boys trapped in our now 50++ na katawan at buhay...hehe.

Ang sabi nga daw..."high school classmates are our friends for life". Andyan na magiging lawyers, doctors, business partners(o drinking partners), etc., at kaya makakasama natin sila sa ating buhay. Kapag nasa abroad ay malamang tutuloy tayo sa ating mga classmates ang vice versa. Sila ang mga taong ating pagkakatiwalaan...na madalas parang isang tunay na kapatid. At naalala ko tuloy ang kasabihan na "friends are the siblings God forgot to give us".

Sabi nga daw ng marami ang panahon nung high school ang isa sa pinakamasaya sa buhay ninuman. Pero ako...Itong reunion natin natutunan ko na nagiging mas masaya at di makakalimutan pa even after 37 years...na kung saan ang dating magkaka-eskwela ay nahasa ng mga ekspiriensya ng buhay at nahinog sa inabot na taon ng buhay.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Lahat Kay Kristo.